Di maikakaila na may sariling style si Makoy na tanging kanya lang. Siya ay ang tipo ng tao na talagang "COOL" without really trying. Kahit magpakabaduy si Surfernando oks na oks pa din.
Eheads fans will always dig Marcus Adoro!
What happened to Marcus after Eraserheads? Ganito yun. Nag-text si Ely Buendia kena Buddy Zabala na "graduate na sha". Pumasok si Kris Gorra-Dancel bilang kapalit ni Ely.They still called themselves Eraserheads with Raimund Marasigan on drums, Marcus on lead guitar, Buddy on bass and Kris doing lead vocals and rhythm guitar. According to Raimund, they had to fill up obligations kaya they had to continue the Eraserheads outfit. Tapos si Marcus umabsent. Nagdrop-out sa band. Nag-surf sa L.A. (LA Union).Dito nabuwag na tuluyan ang Eraserheads at nabuo bilang Cambio with Ebe Dancel and Diego Mapa as its new members.
Ano naman ang nangyari kay Silver Surfernando Marcus Adoro? Gumawa ng mga EPs like Kamon-Kamon (2002) na sinimulan niyang gawin after Carbonstereoxide. Ang Kamon-kamon ay tungkol sa kanyang alagang aso (which is multi media project with Adoro's Artist friends. Sayang di natuloy ung komiks at yung komiks soundtack, that would have been COOL!)na siya mismo ang nag-mix at nag-produce.Another EP, ang American Gurl na lumabas sa pagkarami-raming cover versions o packaging: Belma n Luis (na meron ako, see photos for details) Urfer Magazine (na naging available sa Mag:Net Café), Duckdive ( na available sa Bigsky Mind), American Gurl (United States version), and Submarine (Marikina version)
Nagbalik sa Manila, tumugtok as a folk soloist tulad ng sa Bistro 70's ala-Neal Young. Tumambay kena Tita Beth. Kinuha ung Pillbox Magazine doon at pinamahagi sa mga fans.
Gumawa ng sariling eksena. Yung mga ka-bandmates niya na-meet lang niya while playing as a solo folk singer.Naka-jam. Naka-groove.Yun na. Tinayo na niya ung Markus Highway. Gumawa ng debut album, ang "Behold, Rejoice! Surfernando Is Hear Nah." na ni-release nung February 2008. Super hinog na ung songs dito dahil yung din yung mga songs from the EPs which were recorded roughly na mala-demo ung tipo sa EPs,but with the Debut, malinis na ung areglo at maayos na lahat,ika nga. Kaya super sulit talaga kung meron ka ng original at di ung raon version.
Hopefully lumabas na yung sophomore soon!
Long Live Makoy! - gameboysmile
Natuloy naman 'yung Kamon Kamon in a way dahil ni-release ni Ka Marcus 'yung EP version nun sa Sarabia.
ReplyDeletehttps://www.facebook.com/pages/Kamon-Kamon-Marcus-Adoro/241226222584142