OO, alam mo na sa isang underground film ni David Lynch entitled "ERASERHEAD" nakuha ng banda ung name nila. Alam mo rin na nakuha ito ni Ely Buendia sa isang film magazine na nabasa niya.
Pero ang tanong ko ay, bakit Eraserheads ang bandang paborito mo?
Kung ako ang tatanungin, naging fan ako ng banda simula pa noong highschool nung marinig ko ung Ligaya na pinarinig saken ng pinsan kong si Charlie. Walang duda, may Beatles influence sa mga songs nila. Si Ely ay isang Beatles fan. Dun siya nainspired tumugtog. Isa ang Beatles sa major influence ni Ely, aside from the Cure and the Smiths. Kaya sa unang album pa lang may leanings na ng Beatles ung lyrics nila: "Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera" (Can't Buy Me Love ng Beatles), "How can I tell you about my love one?" na directang hango sa Silly Love Song ni Paul McCartney.
Sa musical taste,ganun din sina Marcus, Buddy and Raimund, although super ecclectic ung mga trip ng huli. From Beck to the Beastie Boys to whatever new music there is, Raimund is that versatile in musical taste. Si Marcus ganun din although sa mga interview nya dati, moreon classic rock ung naging trip nya like the Doors. Pero diverse din talaga yung trip ni Marcus eh.Like most of the names na associated sa band niya at the time: Flaming Katols, Marcos Regime, The Mamons, Sunken Gardeners at Marcus Highway.
Si Buddy,ganun din although more on jazz music and pop yung trip nya like sypro and gyra.
In terms of songwriting again, may sarili ring henyo si Ely and the rest of the Heads. Nakatutok ung lyrics sa everyday struggles and experiences ng Pinoy youth in particular. Every album, nag-grow maturely ung music and lyrics ng banda, although marketing strategy lang naman un ayon kay Ely.We agree to that. Kahit sa demo album pa lang ng eraserheads, kita mo na ung lyrical prowess nila. Nasa POP U na kasi ung Scorpio Rising,Tindahan ni Aling Nena,Wishing Well even before na release ung first mainstream album.
Eversince I heard the pop heaven Ligaya, the catchy,baduy but cool "Toyang" and the tearjerker "Pare Ko", I became an instant fan! Sila kasi ung bandang lahat ng members astig pumorma,ang medyo simple lang talaga sa porma ay si Buddy pero he make up for it through his ultra cool bass playing, ala-McCartney. Sa mga sagot nila sa interview, you can feel na talagang they are for the music, by the music, so buy the album hehe.They don't care about the media, as long as they do it THEIR WAY. Punk attitude, ika nga.
Hearing ULTRAELECTROMAGNETICPOP for the first time was cool and great but hearing CIRCUS was blissfully heaven! From the album packaging pa lang, just reading the album sleeve and looking at the hundreds of pictures inside, you instantly get the feeling that this is not an ordinary 10 track album. Na it will be bound for those classics like JDLC's Himig Natin.
Albums after albums, movie and TV appearances like in Mikee Cojuanco's(now Jaworski)Mikee, Sharon Cuneta show ,Eat Bulaga,Martin After Dark (hosted by Martin Nievera)at maraming marami pang iba, the Eraserheads became a household name and success was just around the corner.....
No comments:
Post a Comment