Thursday, February 7, 2013

Why Write a Blog For Free for a Band Like the Eraserheads?

The Eraserheads - Fuckin' Geniuses 
This is a fairly easy question. Like the Beatles in their days, this band had written songs that speaks to my generation (the 90's) -- The Gen Xers, whatever that means. Noong medyo bata pa ako, ang Eraserheads at ang kanilang musika ang nagpapahupa ng paminsan-minsang galit kong mundo. Gaya ng Rivermaya, Parokya ni Edgar, The Youth, Teeth, Sugar Hiccup, Francism, Itchyworms, Wolfgang, Orange and Lemons, Wuds, Color It Red, Put3ska, Feet Like Fins, Sandwich, Joey Ayala, Gary Granada, Kapatid, Razorback, Cynthia Alexander, Tribal Fish, Grin Department, at ng napakarami pang mga magagaling na banda na sumulpot noong dekadang iyon, ang musika ng Eraserheads ang kasa-kasama ko tuwi-tuwina. Sila ang Banda ng Masa na kadamay ko sa mga problematic days and night of my unknown and itsy bitsy teeney weeney polka dots life.

May review for the finals? Eraserheads soundtrip muna para ma relax ang utak. Heart broken? Walang laman ang bulsa? Play lang ng superproxy. Alam ko naman na ang  superproxy ay tungkol sa internet pero pag naririnig ko yung kanta, ang meaning para saken ay iba. Parang kaibigan na gustong ipacify ako. Nag-iisa at walang makausap? Wag Kang Matakot....kasama mo naman ako, yan ang sabi ni Ely. Yan ang Eheads, maalalahanin.... :)

Ely Buendia in Action
Yung musika ng Eheads? Pinaglalaban ko yan ng patayan sa mga classmates ko na nagsasabing mas malupit ang <name of another OPM Band> kesa sa Eraserheads. Tangina, sa isip-isip ko, di hamak na mas may dating at may meaning sa buhay ng isang hamak kong Pinoy ang Eraserheads kesa <name of another OPM Band>. Pag may tumutugtog na Heads song sa jeepney na sinasakyan ko gusto kong sabihin sa lahat ng pasahero na yun ang MUSIKA, at sana magets nila yung ibig kong sabihin. Yun ang musika.  It is safe to say that I'm really glad that my generation was the one who was able to enjoy a lot of very good music (OPM and Foreign) back in the day.

Marami pa akong gustong sabihin pero eto kailangan kong kumayod na ulet. May sideline pa ako na dapat tapusin. Inuna ko lang isulat ito dahil sa pagmamahal ko sa banda na nagpaligaya sa ating lahat. Kaya sa susunod na lang ulet mga pare ko. Ika nga ni Raimund nawa'y "Mabuhay kayo sa mahiwagang tunog...".

2 comments:

  1. bro,

    i can't help but post a comment in this. I just want you to know that I can see myself in you sa paghanga mo ng idol natin Eheads. I want to say also that i'm one of those prouds na naintindihan ang musika ng eheads. how genius are they. di lang ang lyrics at tune bro.. every single note of each of their instruments. a work of genius. the way they arrange the songs... i'm your follower in this blog bro. tnx
    -glenn

    ReplyDelete