Thursday, November 22, 2012

Eraserheads Update - Maraming Nangyari na Hindi Ko Agad Nasabi sa 2012


So FAR...

eraserheads us concert
...andaming nangyari ngayong 2012 especially sa fab four ng Pinas - Ang Eraserheads. Pero dahil sa tinamad akong mag-blog this year, walang na-post na kung anuman na kwento dito. Pero oks lang yan. Kung Eheads fan ka na nagbabasa ngayon neto, malamang--at ipupusta ko pa yung bahay at lupa ng kapitbahay namin-- na alam mo na yung nangyaring Eraserheads North American Reunion Tour 2012 noong October lamang ng taong kasalukuyan.

Eto ang listahan ng kumpletong Tour Isked ng Eraserheads sa US of A :

October 12, Friday at the Regency Room in San Francisco, California 

October 13, Saturday at the Hollywood Palladium in Los Angeles, California 

October 19, Friday at Kool Haus in Toronto, Ontario Canada

October 20, Saturday at 123 Main St. in New York, New York
Shempre alam mo rin na huling nag-gig ang higanteng bandang eto noong "The Final Set" pa, noong March 7 , 2009. Yun ay part 2 lamang ng Reunion Concert nila noong 2008 which prematurely stopped when Ely Buendia was rushed to the hospital because of heart ailment.

Maraming natuwa (opkors) sa US Concert coz ibig sabihin lang nyan na all is well with the Heads at Tuloy ang Ligaya........ Eto ung mga nasagap kong piktyurs ng nasabing US Concert (roll vtr...este roll your mouse roller or scroll down to view pix below pala...)














pix source: ms day cabuhat | myx ph

No comments:

Post a Comment